Monday, December 10, 2007
Bakit kaya patuloy tumataas ang presyo ng gas?..
Pero tumataas naman ang halaga ng piso laban sa dolyar..
Ano kaya ang nangyayari?..
Sayang lang ang pag rerebelde ni trillanes..
Sayang at binoto ko pa naman siya..
Wahahaha...
Bakit nag karoon ng curfew nung nakaraang linggo?..
Ayos na sana.. Pero wag naman pabigla bigla..
Bakit ang mahal bilihin ngayon?..
Pero ang mura ng tinda na galing sa china..?
Bakit mainit na ulit?..
Pero dati ay malamig na?..
Bakit ang hirap magpanggap?..
Bakit bakit?..
Wala akong maireklamo...
Posted at 04:02 am by
activeopposer
Permalink
Wednesday, November 28, 2007
Kahapon habang papauwi galing sa skul..
Sumakay ako ng jeep patungo sa cavite..
Nung una maayos ayos naman ang takbo ng jeep..
Dahil trapik pa, hindi halata na may sira na ang jeep..
Bawat hinto namin, ay nahihirapan itong umabante ulit..
Namamatayan din ito ng makina..
Minsan pa, parang nag heaheadbang ang jeep..
May naasar, may natawa, may walang pakialam sa nangyayari..
Ako natatawa na lang ako sa nangyari..
Pero nakaka asar din dahil mabagal ang takbo ng jeep..
Ang pinaka naasar pa ay, pinatay nya ang headlight ng jeep.
Buti na lang at hindi sya hinuli ng pulis..
Pag may sira na sa sasakyan..
Wag ng ipagpilitan pang paandarin
Baka mamaya maka disgrasya pa eh..
Perwisyo pa sa ibang tao..
Godbless..
Posted at 07:04 am by
activeopposer
Permalink
Sunday, November 25, 2007
May nabalitaan ako.. Narinig ko lang naman..
Matagal na ito, Binawi daw ng world bank ang loan ng pilipinas dahil may kahina hinalang nangyari..
Masyado daw mataas ang presyo ng mga produkto para sa nasabing proyekto..
Tama lang ang ginawa ng world bank..
Kasi naman, yung iba dyan.. Mahilig mag payaman..
Isa pang nakaka asar ay ang mga proyekto ng mga mayor, gobyerno, senator at presidente..
Tama bang ilagay pa nila ang kanilang pangalan o larawan sa ginawa nilang proyekto para sa mga nasabing lugar..
Hindi ba parang ang sagwa ng ginagawa nila..
Mismong "NO PARKING" na lang ay may pangalan ba sa baba..
Hindi naman nila pera ang ginagmit, pera ng mamamayan ng pilipinas..
Ang mas masagwa pa, pati bubong hindi pinalagpas..
Kulang na lang sabihin na..
"Akin ito, walang aagaw"
Maglagay ako ng pictures pag nakakuha ako..
Yun lang...
Posted at 05:33 am by
activeopposer
Permalink
Thursday, November 15, 2007
Bakit kayang patuloy tumataas ang presyo ng gas.
Dati lang nung bata pa ako..
Nag seservice pa ako nun..
Kitang kita ko sa dalawang mata ko..
12.31 php lang ang diesel..
Pero ngayon, mag kano na?.. 36.31 parang ganyan..
Ang mahal sobra..
Wala na bang magagawa ang gobyerno tungkol dyan..
Posted at 01:01 am by
activeopposer
Permalink